^

Probinsiya

Raid ng NPA sa police station, silat

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nasilat ng mga awtoridad ang tangkang pagkubkob ng tinatayang 30 mga rebeldeng New People’s Army  (NPA) sa himpilan ng Josefina Municipal Police Station (MPS) sa Zambo­anga del Sur kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, bandang alas-6:15 ng umaga ng lumusob ang mga miyembro ng NPA sa nasabing istasyon sa bayan ng Josefina. Ang mga rebelde ay nagpanggap na mga awtoridad na may aarestuhin umanong wanted na kriminal. Gayunman, agad itong natunugan ng mga pulis na mabilis na pumosisyon na itinutok ang kanilang mga armas sa grupo ng mga rebelde saka mabilis na rumadyo para sa backup. Mabilis namang nagresponde ang mga e­lemento ng Zamboanga del Sur Police Provincial Office (PPO), Provincial Public Safety Company at 2nd Maneuvering Company bunsod upang mabilis na magsitakas ang mga rebelde ng mapagtantong dehado sila sa labanan. Naglunsad na ng hot pursuit operation laban sa naturang grupo ng mga rebelde.

 

AYON

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

JOSEFINA MUNICIPAL POLICE STATION

MANEUVERING COMPANY

NEW PEOPLE

POLICE REGIONAL OFFICE

PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY

SUR POLICE PROVINCIAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with