CAVITE, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakilalang salarin ang isang 29 anyos na binata habang sakay ng motorsiklo sa brgy. Sampaloc IV Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Supt Carlos Barde, hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang biktimang si Vicente CoÂnstante Jr., 29 anyos, binata residente ng Narra St., Brgy Kayquit, Indang, Cavite.
Base sa imbestigasyon ni PO3 Elmo Caboboy, may hawak ng kaso, alas-11: 45 ng gabi ng maganap ang insidente habang sakay ang biktima ng kulay asul na motorsiklong Yamaha na bumabagtas sa lugar.
Ayon sa brgy. tanod na naka-duty bigla na lamang siyang nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril kung saan bumulagta ang biktima pero nabigong maabutan ang suspek na mabilis na nakatakas.
Narekober ng pulisya ang, tatlong cartridge ng cal. 45 pistol, mga basyo ng bala ng nasabing armas, ang motorsiklong gamit ng biktima at isang plastic sachet na may lamang shabu kaya’t hinihinalang may kinalaman sa droga ang krimen.