^

Probinsiya

2 patay sa highway mishaps

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

LA TRINIDAD, Benguet, Philippines - – Dalawa-katao ang sinalubong ni kamatayan sa naganap na magkahiwalay na highway mishaps sa kahabaan ng Benguet highway noong Huwebes ng gabi.

Si Rogelio Andiso Dagupen, 52, ng Balakbak, Kapa­ngan ay namatay matapos mahulog ang Isuzu dump truck  (RBR 460) na minamaneho ni Janton Tangaan Pilayen, 22,  ng Bacolongan Sur, Buguias, Benguet sa may 80 metrong lalim na bangin sa Sitio Suyoc, Barangay Caponga, bayan ng Tublay.

Sa police report, sina Pilayen at Dagupen ay lulan ng trak mula sa bayan ng Gadang, Kapangan nang sumalpok sa concrete electric post saka nahulog sa bangin.

Kapwa naisugod sa Benguet General Hospital subalit namatay si Dagupen.

Kasunod nito, dalawang oras ang nakalipas ay isang Ford Fiera (ACK 1940) naman na minamaneho ni Albert Antonio “Supite” Lawa ang nahulog sa  may 10-merong lalim na bangin sa Man-atong Road, Baculongan Norte, bayan ng Buguias sa Benguet.

Naisugod sa Lutheran Hospital sa Abatan ang mga biktimang sina Goyab Antonio­, 54; Josie Wakit Atas, 31; at driver na si Lawa na pawang nakatira sa Botiki, Sebang, Buguias, Benguet subalit idineklarang patay si Joseph Antonio Atas, 35.

vuukle comment

ALBERT ANTONIO

BACOLONGAN SUR

BACULONGAN NORTE

BARANGAY CAPONGA

BENGUET

BENGUET GENERAL HOSPITAL

BUGUIAS

DAGUPEN

FORD FIERA

GOYAB ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with