^

Probinsiya

Mag-utol na trader inatado

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Pinaniniwalaang kumpetisyon sa negosyong scrap metal buying ang isa sa motibo kaya pinagtataga hanggang sa mapatay ang  33-anyos na trader habang kritikal naman ang kakambal nito sa Barangay Cutar, bayan ng Aritao, Nueva Vizcaya kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Insp. Chevalier Iringan ang na­patay na si Roberto Mendoza habang nakikipagbuno naman kay kamatayan ang kakambal nitong si Rode­rick Mendoza  na naisugod sa People’s Indigenous Hospital.

Sumuko naman sa pu­lisya ang mga suspek na magkapatid na sina Samuel Rodillas, at Rod Rodillas na kapwa kapitbahay ng mga biktima.

Nabatid na kapwa lango sa alak ang mga biktima nang sugurin ang bahay ng mga kaanak ng suspek subalit sinalubong sila ng malalaking tipak na bato.

Hindi pa nakontento ay pinagtataga pa ang mga biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

ARITAO

BARANGAY CUTAR

CHEVALIER IRINGAN

CHIEF INSP

INDIGENOUS HOSPITAL

NUEVA VIZCAYA

ROBERTO MENDOZA

ROD RODILLAS

SAMUEL RODILLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with