Broadcaster uli tinambangan, utas
MANILA, Philippines - Isa na namang radio broadcaster ang nasawi habang isa pa ang naÂsugatan sa magkakahiwalay na insidente ng panaÂnambang na kinasangkutan ng riding-in-tandem na mga armadong salarin sa Tagum City, Davao del Norte at Iloilo City, kamakaÂlawa ng gabi at nitong Miyerkules ng umaga.
Sa ulat, sinabi ni Chief Inspector Jed Clamor, Spokesman ng Southern Mindanao Police, dakong alas-8:55 ng umaga nitong Miyerkules nang tambangan ang biktimang si Rogelio “Tata†Butalid, 44, commentator sa programa nitong “Ang Kamatuoran†o ang Katotohanan sa TaÂgalog sa Radyo Natin sa Tagum City.
Ayon kay Clamor bigla na lamang sumulpot sa panulukan ng Sobrecarey St. at Roxas Street sa Brgy. South, Tagum City ang tandem na suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima gamit ang cal. .45, na namatay noon din sa lugar.
Napag-alaman na kataÂtapos lamang ng programa ng biktima na isa ring halal na barangay kagawad.
Sa kasalukuyan, dalawang anggulo ang siniÂsilip ng mga awtoridad sa pamamaslang kay Butalid, una ay may kinalaman sa trabaho nito bilang komentarista sa radyo at paÂngalawa ay pulitika.
Sa tala, si Butalid ang ika-22 mediamen na napaslang sa ilalim ng admiÂnistrasyon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.
Samantala, sa isa pang insidente, sugatan naman ang radio reporter na si Jonavin Villalba, 43, reÂporter ng Dyok Aksyon Radyo sa Iloilo matapos itong pagbabarilin din ng riding-in-tandem sa harapan ng kanyang tahanan sa Brgy. Cuartero, Jaro District, Iloilo City, dakong alas-11 ng gabi kamaÂkalawa.
Ayon kay Sr. Supt. Ruperto Floro, Director ng Iloilo City Police, ang biktima ay idineklarang nasa maayos na kondisyon sa Iloilo Mission Hospital sa tinamong mga tama ng bala sa kanang paa.
Nabatid na ang mga suspek na pawang naka-helmet ay magkaangkas sa kulay itim na motorsiklo nang paputukan ang biktima gamit ang cal. 9mm pistol. Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pamamaril sa biktima.
- Latest