^

Probinsiya

10 mangingisdang stranded, nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang 17-oras na palutang-lutang sa karagatan, matagumpay na nasagip ng mga tauhan ng Philippine Navy ang sampung mangi­ngisda na napadpad sa bahagi ng Recto Bank sa West Philippine Sea, Palawan, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ang mga nasagip na sina Jessie Salac, Pedro Cabago, Reynald Cabago,  Melvin Aquino, Jherson Recacurva, Benjie Bagao, Arislit Rayel Sy, Erlan Sagang, Danilo Layan,  at si Jayven Secor na pawang sakay ng M/B 3 Sisters 98.

Ayon kay 1st Lt. Cherryl Tindog, hepe ng Public Affairs ng AFP Western Command, bandang alas-9 ng umaga kahapon nang masagip ng mga nagpa­patrulyang tauhan ng Philippine Navy Patrol Ship 35 ang mga mangingisda na nagka­aberya ang kanilang bangka sa bahagi ng Recto Bank (Reed Bank)

Nabatid na ilang pagtatangka ang isinagawa ng WESCOM para mailigtas ang mga biktima nitong nakalipas na araw subalit sa laki ng mga alon kaya nag-air drop na lamang ng pagkain sa mga ito.

Kaagad namang nirad­yu­han ng WESCOM ang  Camp General Artemio Ricarte Station­ Hospital upang isa­ilalim sa medical examination ang mangi­ngisda na ilang araw stranded sa karagatan.

ARISLIT RAYEL SY

BENJIE BAGAO

CAMP GENERAL ARTEMIO RICARTE STATION

CHERRYL TINDOG

DANILO LAYAN

ERLAN SAGANG

JAYVEN SECOR

RECTO BANK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with