^

Probinsiya

P50k ng DUPF ibinigay sa mga biktima ni ‘Yolanda’

Francis Elevado­ - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE , Philippines   - Hirap man sa buhay ay nagawa pa ring magbigay ang mga miyembro ng Daet  Urban Poor Federation (DUPF) ng 40 sakong bigas para sa mga biktima ng kalamidad sa Eastern Visaya sa katatapos lang na solidarity week kamakalawa.

Sa panayam kay Marlon T. Bandelaria, pangulo ng Daet Urban Poor, nabatid na isinakripisyo ng mga maralitang taga-Daet ang P50,000  na gagamitin sana sa kanilang Christmas Party kahapon.

“Nagpapasalamat po ako sa aking mga kasamahan sa kanilang malaking pang unawa bagamat hirap din sa buhay ay kanilang naram­daman ang pangunahing panga­ngailangan ng mga biktima ng bagyong Yolanda,”  pahayag ni Bandelaria.

Nabatid na umaabot sa 46 na asosasyon ng Daet Urban Poor ang nagpaabot ng tulong kahapon sa pagtatapos ng kanilang ika - 25 taong Urban Poor Solidarity Week na ginanap sa Heritage Center sa tulong ng tanggapan ni Mayor Tito Sarion, Sangguniang Bayan ng Daet, MDRRMO, Bureau of Fire Protection at ng ABS-CBN Kapamilya Caravan. 

 

BANDELARIA

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHRISTMAS PARTY

DAET

DAET URBAN POOR

EASTERN VISAYA

HERITAGE CENTER

KAPAMILYA CARAVAN

MARLON T

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with