Obrero pinugutan ng mag-uutol
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Pinaniniwalaang alitan sa trabaho ang isa sa motibo kaya pinugutan ang 40-anyos na obrero ng tatlong magkakapatid sa karahasang naganap sa plantasyon ng tubo sa Barangay Minallo, bayan ng Naguilian, Isabela kamakalawa.
Kinilala ni P/Chief Insp. Ronnie Naira ang biktima na si Richard Nepumuceno, trabahador sa Eco Fuel Sugarcane farm at tubong bayan ng MaÂlinao, Aklan.
Sinasabing namataan ng isang saksi sa krimen na si John Gopio ang pagtakas ng mga suspek na sina Cris Igham, Cristhoper Igham, at Jonnifer Igham mula sa kanilang bunkhouse nang matagpuan ang gutay na bangkay ni Nepumuceno.
Bago naganap ang pagpatay ay sinabi ng isang katrabaho na si Michael Agustin na natutulog lamang ang biktima kasama ang magkakapatid na suspek nang iniwan niya ang mga ito upang kumuha ng panggatong na kahoy sa paligid ng plantasyon.
Pagbalik nito ay duÂguang nakabulagta ang biktima na walang ulo.
- Latest