Treasurer dedo sa multicab

CAMARINES NORTE, Philippines â€“ Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 22-anyos na barangay treasurer  matapos itong mahagip ng multicab habang lulan ng scooter sa Barangay Pamorangon, bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Moises Pagaduan, kinilala ang namatay na si Jayzel Montuya, nakatira sa Happy Homes Subd. sa Barangay 2 at graduating student sa Camarines Norte State College.  Samantala, sugatan naman ang backrider ng biktima na si Diana Rose Era,  estudyante rin ng CNSC. Base sa ulat ng pulisya, lulan ng scooter ang dalawa nang masalpok ng pampasaherong multicab  (EVV 286) ni Dodong Rada pagsapit sa bukana ng nasabing subdibisyon.

Show comments