^

Probinsiya

Election officer itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang 48-anyos na election officer matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa madamong bahagi ng  highway sa bayan ng Matalam, North Cotabato kamakalawa. Sa ulat ni P/Senior Supt. Rodelio Jocson na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Ted Monteverde Sispon, 48, opisyal ng Comelec sa bayan ng Parang, Maguindanao. Base sa pagsisiyasat ng pulisya, lulan ng multicab si Sispon patungong Matalam mula sa Kidapawan City nang puntiryahin ng tandem. Gayon pa man, nagmintis ng paputukan si Sispon na nakaupo sa dulong bahagi ng sasakyan kaya hinarang ang multicab at tinutukan ang driver. Agad namang tumalon si Sispon kung saan nagtatakbo pero hinabol ito ng gunmen at niratrat sa madamong bahagi ng highway.

 

CAMP CRAME

COMELEC

GAYON

KIDAPAWAN CITY

MAGUINDANAO

MATALAM

NORTH COTABATO

RODELIO JOCSON

SENIOR SUPT

SISPON

TED MONTEVERDE SISPON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with