^

Probinsiya

Sari-sari store, computer shop inararo ng truck: 2 dedo

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dalawa katao kabilang ang isang 11 anyos na batang lalaki ang kumpirmadong nasawi habang 16 pa ang nasugatan makaraang aksidenteng suwagin ng isang delivery truck ng beer ang isang sari-sari store at katabi nitong computer shop sa bayan ng Barili, Cebu nitong Sabado ng umaga.

 Kinilala ni Cebu Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Noel Gillamac ang mga nasa­wing biktima na sina Jennifer Martillan, 22 anyos at ang menor-de-edad na si Anderson Jason Vergara; pawang residente ng Brgy. Sta Ana ng bayang ito.

Sa imbestigasyon, bandang alas- 6:30 ng umaga ng maganap ang insidente sa Brgy. Sta Ana ng bayang ito matapos na mawalan ng preno ang 10 wheeler wing van hauler truck (YKP 197) ng JAK Logistics na minamaneho ni Adonis Quiñanola, 37  anyos.

Nabatid na sakay din ng nasabing delivery truck ng San Miguel Beer na galing Cebu City at patungong Malabuyoc, Cebu ang pahinante ng truck na si Elmer Culango, 20 anyos at Ruth May Lebante, 35 anyos ng mangyari ang sakuna.

Nawalan umano ng preno ang nasabing delivery truck habang malapit na ito sa tulay na sa kamalasan ay sinuwag pa ang mini store at nakaparadang multicab (GXV 308) sa tabi ng kanang bahagi ng highway sa nasabing barangay na agarang ikinasawi ng dalawang biktima.

Samantalang sinuwag din nito ang computer house na pag-aari ni Edmund Concepcion na ikinasugat ng 16 biktima kabilang  sina John Phili Guro, 5 anyos; Franklin Guro, 14; Maria Guro, 7; John Guro, 6; Mary Joy Guro, 4 anyos ; Genara Bayabos, 54; Larry Martillan, 3 buwang sanggol ; Romeo Bayabos, 53 at iba pa na isinugod sa Barili District Hospital para malapatan ng lunas.

ADONIS QUI

ANDERSON JASON VERGARA

ANYOS

BARILI DISTRICT HOSPITAL

BRGY

CEBU

CEBU CITY

CEBU PROVINCIAL POLICE OFFICE

DIRECTOR P

STA ANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with