^

Probinsiya

Chinese drug trafficker, 1 pa timbog sa P182-M drug bust

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umiskor ang mga awtoridad matapos masakote ang isang big time Chinese drug dealer at helper  nito kasunod ng pagkakasamsam ng 36.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P182-M sa isinagawang drug bust operation sa Mexico, Pampanga nitong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ni Sr. Supt. Oscar Albayalde, Provincial Police Office Director ng Pampanga Police, kinilala ang nasakoteng suspek na si Ding Wenkun, 30 anyos, tubong China at helper nito na si Roel Cabag.

Bandang alas-5 ng hapon ng salakayin ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office ang  Lakeshore, isang eksklusibong subdibisyon sa bayang ito na tinutuluyan ng suspek.

Ayon sa opisyal, bago ito ay nakatanggap ng tip ang mga operatiba ng Mexico Police hinggil sa illegal na pagbebenta ng nasabing Chinese ng droga.

Agad nagsagawa ng ope­rasyon ang Provincial Task Force on Illegal Drugs sa pamumuno ni Supt. Louie Baloyo at ang PDEA Region 3 na nagresulta sa pagkakasamsam ng 16.5 kilo ng shabu na nakatago sa suitcase ni Wenkun .

Samantalang karagdagan pang 20 kilo ang nakuha naman sa paghahalughog sa tahanan nito sa nasabing lugar. Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na ang nasabing Chinese ay pumasok sa Pilipinas noong Oktubre 29 ng taong ito.

Kasalukuyan ng humihimas ng rehas na bakal sa detention cell ng  Pampanga Police ang mga nasakoteng suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2000.

vuukle comment

DING WENKUN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

LOUIE BALOYO

MEXICO POLICE

OSCAR ALBAYALDE

PAMPANGA POLICE

PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR

PROVINCIAL TASK FORCE

REGIONAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with