Senglot pisak sa killer truck
MANILA, Philippines - Napisak ang katawan ng 39-anyos na mister matapos masagasaan ng mixer truck habang apat pa ang malubhang nasugatan sa naganap na madugong sakuna kahabaan ng highway sa Brgy. Villaramas, bayan ng Manukan, Zamboanga del Norte kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang namatay na biktima na si Jose Rey Bularon ng Brgy. Calokso, bayan ng Roxas habang ginagamot naman ang mga sugatang biktima na sina Noe Limbaga, 34, kaangkas ni Bularon; John Johnbert Cadalin, 38; misis nitong si Cherryl Ananza, at si Prence Ann Nocito, 7. Sumalpok ang motorsiklo ni Bularon sa hulihang bahagi ng motorsiklo ni Cadalin. Tumilapon si Bularon at minalas pang maipit ng kasalubong na mixer truck ni Danilo Gamok, 41. Sumuko sa pulisya si Gamok habang mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga biktima.
- Latest