^

Probinsiya

P5-M tractor ng DOLE sinunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang tractor ng DOLE-Fil na nagkakahalaga ng P 5 milyon matapos itong harangin sa bayan ng T’boli, South Cotabato  kamaka­lawa ng hapon. Ayon kay Captain Alberto Caber, spokesman ng AFP-Eastern Mindanao Command, bandang alas-4 ng hapon nang harangin ng mga rebelde  ang nasabing tractor sa kahabaan ng highway sa Sitio de Asis, Barangay Afus, T’boli. Ang mga suspek ay nagpakilalang miyembro ng NPA matapos tutukan ng baril at pababain ang driver ng tractor na si Fidel Taton. Agad na binuhusan ng gasolina ang tractor saka sinilaban hanggang sa magliyab. “This is another gross violation of the Comprehensive Agreement on Human Rights and International Humanitarian Law by the NPA in attacking civi­lians and civilian properties,” ayon pa sa opisyal.

 

ASIS

BARANGAY AFUS

CAPTAIN ALBERTO CABER

COMPREHENSIVE AGREEMENT

EASTERN MINDANAO COMMAND

FIDEL TATON

NEW PEOPLE

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with