^

Probinsiya

Chopper bumagsak: 2 piloto nakaligtas

Boy Cruz at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nailigtas ang dalawang piloto ng pribadong helicopter na kagagaling lamang sa relief mission sa Visayas Region  at pabalik na nang bumagsak sa karagatan ng Barangay Salamabao sa  bayan ng Obando, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang dalawa na sina Captain James Eagle ng US at Captain Iren Dornier  ng Germany na lulan ng Bolkow 105 (RPC699) . Ang nasabing helicopter ay inio-operate ng Aviation Enterprises na may base sa Clark International Airport sa Pampanga.

Nabatid na pabalik na sa Clarkfield, Pampanga mula sa Caticlan, Aklan matapos magsagawa ng relief mission sa lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda nang magkaroon ng problema sa makina hanggang sa bumag­sak sa dagat ang aircraft.

Nagkataon namang nakita ng mangingisdang si Danilo De Los Reyes ang pangyayari kaya agad na tinulu­ngan ang dalawang piloto.

Samantala, ayon naman sa ulat ni US Marine Capt. Caleb Eames ng 3rd Marine Expeditionary Force sa Joint Task Force 505 ng US, hinagisan ng life vest ng US C130 PAGASA crew ang dalawang piloto.

 

vuukle comment

AVIATION ENTERPRISES

BARANGAY SALAMABAO

CALEB EAMES

CAPTAIN IREN DORNIER

CAPTAIN JAMES EAGLE

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT

DANILO DE LOS REYES

JOINT TASK FORCE

MARINE CAPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with