Brgy. chairman, 2 pa todas sa road mishap
MANILA, Philippines - Tatlo katao kabilang ang isang nagwaging Brgy. Chairman ang nasawi habang dalawa pa ang malubhang nasugatan sa magkakahiwalay na banggaan ng sasakyan sa lalawigan ng Isabela at Cavite kamakalawa ng gabi.
Sa Naguilian, Isabela, hindi na umabot ng panunumpa sa kanyang tungkulin ang biktimang si Nestro Ramirez, nahalal na Chairman sa Brgy. Quezon.
Ayon kay Chief Insp. Ronnie Naira, hepe ng Na Âguilian Police, sumalpok ang sinasakyang tricycle ni Ramirez sa isang nadiskaril na pampasaherong jeepney na minamaneho ni Manuel Valencia sa highway ng Brgy. Palatao, Naguilian, Isabela nitong Biyernes ng gabi.
Dead-on-arrival sa pagaÂmutan si Ramirez habang nasa kritikal namang konÂdisyon ang dalawang kasama nitong Brgy. Tanod na sina Ramel Baccay at Ferdinand Malana.
Nabatid na patungo sana sina Ramirez sa kanugnog na bayan ng Reina Mercedes upang tumulong sa paghahanda sa bisperas ng kasal ng kaniyang pamangkin ng mangyari ang sakuna.Sumuko naman sa pulisya ang driver ng jeepney.
Sa hiwalay na insiÂdente nalasog naman ang katawan ng dalawang motorcycle riders matapos na aksidenteng mabangga ang kanilang motorsiklo ng isang rumaragasang mini bus sa Noveleta, Cavite dakong alas-9:50 ng gabi.
Dead on the spot ang biktimang sina Ariel Bargamento, 26 anyos ng GeneÂral Trias, Cavite at binawian naman ng buhay sa Cavite Medical Center ang kasama nitong si Arsenio Juanite Jr., 41 anyos. Nasakote naman ang driver ng mini bus (DVG 963) na si Gary Arnaiz na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide.
Sa imbestigasyon, inaÂmin ng suspek na hindi niya napansin ang kasalubong na motorsiklo dahilan iniwasan niya ang nag-overtake na tricycle.
- Latest