^

Probinsiya

103 presong pumuga sa Tacloban, tugis

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 103 pang preso ang tinutugis ng mga awtoridad matapos makatakas sa Tacloban City Jail nang mawasak ang gate ng piitan sa sob­rang taas ng tubig dagat na rumagasa sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Yolanda noong Nob­ yembre 8.

Nabatid na napilitan ang jail warden na buksan ang pintuan dahil mamatay ang mga preso nang mapuno ng tubig-dagat ang na­sabing kulungan.

Gayon pa man sa halip na lumangoy patungo sa ikalawang palapag ng kulungan ay tuluyang nagsitakas ang mga preso.

Nagawa namang mai-account ang 500 na mga preso pero pinaghahanap pa rin ang 103 presong tuluyang tumakas.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, ang iba sa mga preso ay nagsisuko habang nasakote naman ang mayorya sa mga ito matapos na kumpunihin ang mga nasira nitong tahanan matapos ang bagsik ng bagyong Yolanda.

Kaugnay nito, ayon kay PNP Spokesman P/Senior Supt. Wilben Mayor, nasakote ang isang preso na si Francisco Regis na kabilang sa mga tumakas sa Butuan City Jail matapos matunton ang pinagtataguan nito sa Barangay Can-omay, Antequera, Bohol­ ­kamakalawa.

Nakatakda namang iturn-over ang nasabing pugante sa Tacloban City Jail habang patuloy rin ang pag­hahanap sa iba pang preso na sinamantala ang bagyo.

BARANGAY CAN

BUTUAN CITY JAIL

CAMP CRAME

FRANCISCO REGIS

PRESO

SENIOR SUPT

SPOKESMAN P

TACLOBAN CITY JAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with