P3-M palit sa kalayaan ng trader
MAGUINDANAO , Philippines — Pinalaya na ang negosÂyanteng Bumbay na sinasabing kinidnap sa bahagi ng Cotabato City, MaguindaÂnao makaraang magbayad ng P3 milyong ransom ang pamilya nito noong Sabado ng umaga.
Mismong sina Cotabato City Mayor Japal Guiani at Kidapawan City Vice Mayor Rodolfo Gantuangco ang kumuha sa biktimang si Mike Khemani na may-ari ng Sugni Super Store sa hangganan ng Kabuntalan at Datu Piang, MaguinÂdanao.
Sinasabing napilitan ang mga kidnaper na pakawalan si Khemani dahil na-pressure ito sa pinaigting na operasyon ng militar, pulisya, Anti-Kidnapping Task Force at ang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sinabi ni Cotabato City Administrator Atty. Cynthia Guiani Sayadi na walang ibinayad na ransom money ang pamilya ng biktima.
Ngunit ayon sa intel report na nakarating sa himÂpilan ng pulisya, aabot sa P3 milyong ransom ang ibinayad ng kamag-anak para ma-i-release ang biktimaÂ.
- Latest