^

Probinsiya

Negosyanteng nanamantala pinaaaresto

Freeman News Service - Pilipino Star Ngayon

CEBU , Philippines  â€“ Ipinaaresto ni Bogo City Mayor Celestino Martinez, Jr. ang mga nanamantalang negosyante at vendors kaugnay sa pagtataas ng presyo ng bilihin matapos makatanggap ng reklamo mula sa taumbayan kamakalawa.

Isa sa biktima ng pananamantala ay ang opisyal ng  Israel Defense Forces na namamahala sa medical mission sa Severo Verallo District Hospital makaraang pagbilhan ng pakete ng sigarilyo sa halagang P500.

Dito sumiklab ang galit ni Mayor Martinez kaya ipinag-utos niya sa hepe ang pulisya na arestuhin ang mga nanamantalang negosyante

“This is too much, and they did it on our visitors,” galit na pahayag ng opisyal.

Pinamo-monitor din ng opisyal ang mga tindahan sa nasabing lungsod at arestuhin ang mga nanamantala sa panahon ng kalamidad.

Nauna ng nag-isyu si Martinez ng executive order na panatilihin ang presyo ng bilihin kung saan inabisuhan niya ang mga negosyante na tumugon matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda sa nasabing lungsod.

Kasunod nito, nanawagan si Mayor Martinez sa taumbayan na magiging biktima ng pananamtala ng mga may-ari ng tindahan na ipagbigay-alam sa kanya ang insidente.

Aabot sa 150 doktor mula sa Israel ang dumating sa nasabing lungsod para sa medical missions sa northern Cebu.

 

vuukle comment

AABOT

BOGO CITY MAYOR CELESTINO MARTINEZ

CEBU

DITO

IPINAARESTO

ISA

ISRAEL DEFENSE FORCES

KASUNOD

MAYOR MARTINEZ

SEVERO VERALLO DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with