Mag-ina inutas ni tatay saka nag-suicide
CAVITE, Philippines - – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-ina makaraang pagsasaksakin ng sariling ama na sinasabing naburyong sa matinding problema bago sinunog ang sarili sa loob ng kanilang bahay sa Barangay 33 Caridad, Cavite City, CaÂvite kahapon ng umaga.
Kinilala ang mag-ina na sina Thelma Dela Cruz Samonte, 68; at Rocel de la Cruz Crisostomo, 28, habang nakilala naman ang ama na si Jesus Dela Cruz, 68, walang trabaho, pawang nakatira sa nasabing lugar.
Sa imbestigasyon ni PO2 Armagel Genuino, nagtalo ang mag-asawa kaugnay sa problemang pananalapi kung saan napikon ang lalaki kaya sumiklab ang galit nito.
Gayon pa man, pinayapa ng anak na si Rocel ang kanyang mga magulang subalit umalis na lamang ang kanyang ama at pagbalik mula sa kusina ay inundayan sila ng saksak.
Dito na kumuha ng posÂporo ang lalaki saka sinilaban ang kurtina sa bintana bago nagkulong sa ikalawang paÂlapag ng bahay na nagsimulang magliyab.
Nabatid na bago masunog ang bahay ng pamilya Dela Cruz ay naisugod pa sa ospital ang mag-ina matapos dumating ang kasintahan ng dalaga subalit hindi na umabot ng buhay.
- Latest