^

Probinsiya

7 minero na-trap sa tunnel ng minahan, patay

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MAGPET, North Cotabato, Philippines – Pitong mga minero ang iniulat na nasawi makaraang ma-trap sa loob ng isang tunnel ng minahan sa  bayan ng Magpet, North Cotabato kahapon.

Kinilala ang mga biktimang na sina Jojo Flores, kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU); mga kapatid nito na sina Dionito at Jeffrey, lahat residente ng Sitio Makaumpig, Purok-5 ng Barangay Temporan, Magpet.

 Patay din ang tatlong magkapatid na nakilalang lang sa apelyidong Senados at ang isa pa na kinilalang sa apelyidong Catubay, residente ng Barangay Dalipe sa bayan ng Magpet. 

Sa panayam kay Barangay Temporan Chairman Biolie Verdadero isang mi­nero na kinilalang si Dondon ang nag-report sa kanya na may mga minero umanong na-trap sa 70 metrong lalim ng tunnel sa nasabing lugar. 

Ang impormante lamang ang nakaligtas makaraang gumuho ang nasabing minahan alas-2:30 kahapon ng hapon kung saan ay agad itong humingi ng saklolo.

 Makalipas ang tatlong oras ay narating ng mga rescue team ang lugar at nakuha ang isa sa mga bangkay ng biktima na na- trap sa loob ng tunnel. 

Pinaniniwalaan namang posibleng ang kemikal na nagmumula sa deposito ng methane ang naging sanhi ng agarang kamatayan ng mga na-trap na minero.

 

BARANGAY DALIPE

BARANGAY TEMPORAN

BARANGAY TEMPORAN CHAIRMAN BIOLIE VERDADERO

CITIZENS ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

JOJO FLORES

MAGPET

NORTH COTABATO

SITIO MAKAUMPIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with