Holdaper dedo sa mga pulis
MANILA, Philippines - Napatay ng mga pulis ang isang holdaper nang manlaban ito matapos na holdapin ang isang binata kamakalawa ng gabi sa Biñan City, Laguna.
Ang suspek ay nakilala sa palayaw na Boy Pogi na kung saan ang larawan nito ay nakalagay sa personalized key chain habang nakatakas ang dalawang kasamahan nito.
Batay sa ulat, pauwi na ang biktima na si Mark Gil Uy, 21, galing sa pinapasukang fastfood at naglalakad sa national highway, Barangay Platero nang lapitan ng tricycle na sinasakyan ng mga suspek.
Walang sabi-sabing hinablot ang dala nitong bag na may lamang cell phone at P5,000 cash kaya nakipag agawan ito sa grupo.
Tiyempong nagpapatrulya ang grupo nina PO2 Michael Panganiban, PO2 Garnet Villaruel at PO1 WeÂbster Ortiz na naaktuhan ang panghoholdap.
Nang pasukuin ng mga pulis ang mga suspek ay nanlaban ang mga ito, at dito ay napatay ang suspek habang nakatakas ang dalawang kasama.
- Latest