^

Probinsiya

2 kawani ng DENR sugatan sa aksidente

Raymund Cantindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY , Philippines  - Dalawang kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Regional Office dito ang malubhang nasaktan matapos salpukin ng kanilang government SUV na Pajero ang tagilran ng isang pumaparadang trailer ng Gasolina dahil sa kalasingan ng drayber nito sa National Highway ng Brgy. San Lorenzo, Lal-lo, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni SPO1 Gerardo Conde Jr., imbestigador ng Pulisya ng Lal-lo ang mga biktima na sina Brando Jamorabon, driver, at ang sakay nito na si Rolando Aggabao, 25, kapwa residente sa lungsod.

Ayon kay Dr. Marvitex Quebral na positibong lasing ang nasabing drayber ng DENR nang gabing isugod sila ng mga pulis na nakabase sa Brgy. Bangag sa Matilde Olivas District Hospital.

Lumalabas sa imbestigasyon na tinumbok ng Pajero na minamaneho ni Jamorabon ang trailer truck na minamaneho ni Regidor Galvan 35 habang itinatabi nito ang sasakyan upang iparada sa gilid ng highway.

Wasak ang pampublikong sasakyan na Pajero sanhi ng pagkakabangga.

BRANDO JAMORABON

BRGY

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DR. MARVITEX QUEBRAL

GERARDO CONDE JR.

LAL

MATILDE OLIVAS DISTRICT HOSPITAL

NATIONAL HIGHWAY

REGIDOR GALVAN

REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with