^

Probinsiya

Mag-ama binaril, tinaga sa niyugan

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 44-anyos na ama habang kritikal naman ang anak nitong binatilyo makaraang pagbabarilin at pagtatagain ng mga di-kilalang kalalakihan sa Barangay Tanag, bayan ng Libmanan, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Bicol Medical Center ang magsasakang si Julieto Llamado habang  malubha naman ang anak nitong si Joyjay Llamado, 14.

Sa ulat ni P/Chief Insp. David Diaz Reyes ng Libmanan PNP,  naganap ang krimen dakong alas-11 ng umaga habang ang mag-ama ay abala sa niyugan kung saan ang lupain ay isinangla sa kanilang pamilya.

Nabatid na naunang pinagbabaril ang matandang Llamado kung saan tinangka namang saklolohan ng kanyang anak su­balit maging ito ay pinagtataga.

Pinaniniwalaang may kaugnayan sa lupaing naisangla sa pamilya Llamado ang naganap na krimen habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

BARANGAY TANAG

BICOL MEDICAL CENTER

CAMARINES SUR

CHIEF INSP

DAVID DIAZ REYES

JOYJAY LLAMADO

JULIETO LLAMADO

LIBMANAN

LLAMADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with