^

Probinsiya

Baby hulog sa carnival ride, patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 1-anyos na sanggol na babae matapos itong mahulog mula sa 15 talampakan taas na cable car ride sa Tagum City, Davao del Norte kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni P/Supt. Solomon de Castilla, hepe ng Tagum City PNP, kinilala ang biktima na si Allysa Jade Omayao na namatay habang ginagamot sa United Doctors Hospital bandang alas-4 ng madaling-araw kahapon.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-7 ng gabi nang sumakay ang sanggol kasama ang kapitbahay ng pamilya nito na tinukoy lamang sa palayaw na “Lablab” sa cable car operated rides ng Mary Rose Carnival sa tabi ng national highway.

Nabatid na kasalukuyang namimili ng laruan para sa anak ang ama nitong si Edwin Omayao nang mangyari ang insidente.

Halos matulala naman ang ama nang magkagulo ang mga tao sa pagkahulog ng sanggol na nabitiwan ni Lablab sa itaas ng car ride at tuluy-tuloy na lumagapak sa lupa na halos nabasag ang bungo.

Nagawa pang maisugod ang sanggol sa pagamutan pero nabigo ng maisalba ang buhay nito habang pinag-aa­ralan ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa may-ari ng karnabal.

vuukle comment

ALLYSA JADE OMAYAO

CASTILLA

DAVAO

EDWIN OMAYAO

MARY ROSE CARNIVAL

NABATID

NAGAWA

TAGUM CITY

UNITED DOCTORS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with