P27.7-M marijuana nasamsam
MANILA, Philippines - Umaabot sa P27.7 milÂyong halaga ng marijuana ang nasamsam ng mga opeÂratiba ng pulisya sa isinagawang marijuana eradication operation sa magkakahiwalay na raid sa 62 illegal na plantasyon sa dalawang liblib na barangay sa bayan ng Kibungan, Benguet kamakalawa.
Ayon kay Cordillera PNP director P/Chief Supt. Benjamin Magalong, may 21,000 square meters ng plantasÂyon ang magkakasunod na sinalakay sa apat na araw na operasyon hanggang kamakalawa.
Base sa ulat ni P/Senior Supt. Rodolfo Azurin Jr., director ng Benguet PNP, umaabot sa 97,000 piraso ng marijuana, 15,225, 2-kilo ng pinatuyong marijuana, 60 kilo ng stick ng marijuana, at limang kilo ng binhi (P27, 704,000) ang nasamsam.
Nabatid na magkakasunod ang limang Sitio sa Brgy. Tacadang, Les-eng, Batangan, Bacbacan, Culiang, Sitio Deckan at Pingew at 1 sa Barangay Badeo.
Gayon pa man, wala ni isa mang cultivator ang nasakote dahil sa mabilis na nagsitakas matapos makatunog ang presensya ng mga awtoridad.
“We appeal to our people to continue helping our law enforcers drive out illegal activities in their community through providing vital information,†pahayag pa ni Magalong.
- Latest