Lider ng KFR gang, 2 pa arestado
CAVITE, Philippines - - Arestado ang lider ng notoryus na Pagulayan Kidnap-for-Ransom Group at dalawa pa nitong tauhan matapos na makatakas ang kanilang kinidnap na mining supervisor sa Barangay Molino 5, Bacoor City, Cavite kahapon ng umaga.
Sa police report sa nakarating kay Cavite PNP director P/Senior Supt. Joselito Esquivel Jr., bandang alas-3 ng madaling-araw nang makatakas ang dinukot na si Josue Tuebeo, 27, na sinasabing anak ng may-ari ng mining company sa Camarines Norte.

Si Tuebeo ay dinukot noong Setyembre 18 at pinatutubos sa halagang P60 milyon ng mga suspek na sina Felizardo Pagulayan, lider ng KFR gang at ika-5 most wanted na may patong sa ulo na P.5 milyon.
Matapos dukutin ay itiÂnago ng grupo ang biktima sa Luciano Compound, sa nasabing lugar at nagsilbi ring hideout ng mga suspek habang nakikipag-negosasyon sa mga magulang ng biktima.

Gayon pa man, nakatakas ang biktima matapos putulin nito ang manipis na kadena sa mga kamay kung saan nakahingi ng tulong sa isang computer shop na una niyang nakita na siyang kumontak sa mga awtoridad.

Mabilis naman na ikinasa ng hepe ng Bacoor na si P/Supt. Rommel Estolano ang operasyon sa tulong ng iba pang sangay ng pulisya.
Bandang alas-7 ng uÂmaga nang madakip ang tatlong suspek kabilang na sina Danilo Galipa at Anthony “Boy†Peralta ng Iriga City.
Narekober sa mga suspek ang dalawang cal. 45 psitol, cell phone, wig, cash, at mga magazine.
- Latest