^

Probinsiya

Bagong halal na kagawad, nilikida

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

BATAAN , Philippines   â€“ Napatay ang 42-anyos na bagong halal na barangay kagawad makaraang ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa bayan ng Pilar, Bataan noong Miyerkules ng gabi. Sa naantalang ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Audi Atienza, director ng Bataan PNP, kinilala ang biktima na si Randy Dalisay, 42, ng Barangay Diwa sa nasabing bayan. Si Dalisay na nagtamo ng 13 tama ng bala ng cal. 45 pistol ay idineklarang patay sa Bataan General Hospital sa Balanga City. Nabatid na papauwi na ang biktima mula sa pakikipagpulong sa ilang kaibigan nang harangin at ratratin.Narekober sa crime scene ang 15 basyo ng ca. 45 pistol. Napag-alamang si Dalisay ay ikaapat sa nakakuha ng maraming boto noong barangay election (Oct. 28).

vuukle comment

AUDI ATIENZA

BALANGA CITY

BARANGAY DIWA

BATAAN GENERAL HOSPITAL

DALISAY

MIYERKULES

NABATID

NAPAG

RANDY DALISAY

SENIOR SUPT

SI DALISAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with