^

Probinsiya

35 NPA rebs sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumanas ng panibagong dagok ang New People’s Army (NPA) matapos na sumuko sa tropa ng pamahalaan ang 35 nitong kasapi sa komunistang organisasyon kabilang ang isang opisyal sa iba’tibang bahagi ng Eastern Mindanao Region, ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni AFP-Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala II, ang pagsuko ay alinsunod sa programa ng pamahalaan sa ilalim ng Peace and Social Integration Program.

Kahapon ay pormal namang tinanggap ni Lt. General Ricardo Rainier Cruz, commander ng AFP Eastern Min­danao ang pagsuko ng grupo ng mga rebelde sa simpleng seremon­ya na ginanap sa himpilan ng Army’s 4th Infantry Division sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City.

Nabatid na sa ilalim ng Balik Baril Program ay tatanggap ng mula P2,000 hanggang P10,000 ang mga sumukong rebelde na nagsurender din ng mga homemade na baril at P388,500 sa machine gun.

Samantala, pinakamataas naman sa mga sumukong rebelde ay si Eleuterio “Nolan” Casal, 58, dating Guerilla Front 34 secretary /adviser, Field Guerilla Unit, Field Command 34, Southern Mindanao Regional Committee.

Kabilang naman sa 35 sumukong rebelde ay nago-operate sa CARAGA at Region 10 o mula sa mga lalawigan ng Agusan del Sur, Bukidnon, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Agusan del Norte at sa Misamis Oriental. Isinurender din ang 31 iba’t ibang armas.

AGUSAN

BALIK BARIL PROGRAM

CAMP EVANGELISTA

EASTERN MIN

EASTERN MINDANAO REGION

FIELD COMMAND

FIELD GUERILLA UNIT

GENERAL RICARDO RAINIER CRUZ

GUERILLA FRONT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with