Comelec niransak ng evacuees
MANILA, Philippines - Niransak ng anim na evacuees ang storage room ng lokal na tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) habang winasak din ang mga importanteng dokumento na nakatago sa naganap na pananabotahe sa Zamboanga City kamakalawa.
Ayon kay PNP regional office spokesman P/Chief Inspector Ariel Huesca, iniulat ni Allan Corpus, 42, kawani ng Comelec ang insidente sa Zamboanga City PNP office.
Nabatid na nag-insÂpeksyon si Corpus sa nasabing tanggapan nang napansing wasak ang padlock ng kanilang storage room sa Comelec Office sa kahabaan ng Don Joaquin Memorial Sports Complex, RT Lim Boulevard sa nasabing lungsod.
Samantala, laking gulat naman niya nang makitang anim na evacuees ang umookupa rito ng walang permiso mula sa kanilang tanggapan.
“They illegally opened the storage room of said office, forcible destroying the door lock grill,†ani Huesca.
Ang nasabing mga evacuees na sinasabing nawalan ng bahay ay kabilang sa mga residente na naapektuhan sa siege ng Moro National Liberation Front noong Setyembre.
Agad namang dinala sa presinto para maimbestigahan ng pulisya ang mga evacuees na kinilalang sina Abdul Ataolla, 57; Nursida Majid, 39; Amina Haiber, 49; Nerma Dabbang, 54; Inshih Ruaina Febres, 53; at si Arsaima Ablayan, 27, mga nakatira sa Brgy. Rio Hondo na kabilang sa mga lugar na sinakop ng MNLF fighters Nur Misuari faction.
Samantalang nadiskubre rin na maraming mga importanteng dokumento na nakasilid sa sako sa loob ng storage room ng Comelec na ikinokonsiderang confidential ang winasak rin ng mga evacuees.
Pinawalan din ang mga evacuees matapos kunan ng lirato at finger print.
- Latest