Bus swak sa bangin: 2 dedo, 16 kritIkal
NUEVA VIZCAYA, Philippines - – Dalawa-katao ang namatay habang 16 naman ang malubhang naÂsugatan makaraang mahulog ang pampasaherong bus sa malalim na bangin sa Barangay Capintalan, bayan ng Carranglan sa hangganan ng Nueva Vizcaya at Nueva Ecija noong Miyerkules ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang mga namatay na sina Christy Compalas, 37, ng Barangay San Antonio North, Bambang, Nueva Vizcaya; at Jennifer TaÂyuto, 18, ng Iguig, CagaÂyan. Kalaboso naman ang drayber ng Dalin Bus Liner (BVF-733) na si Teody Marayang, 36, ng Barangay Alingigan, Angadaman, Isabela.
Kabilang si Fely Pasion, 54, sa malubhang nasugatan at 15 iba pang pasahero ay ginagamot ngayon sa iba’t-ibang Âpagamutan.
Pinaniniwalaang nakatulog ang drayber ng bus na may biyaheng Cubao, Quezon City mula sa Tuguegarao City kaya nagtuluy-tuloy sa malalim na bangin.
- Latest