1 sa kinidnap na 6 kandidato, pinalaya ng NPA rebels
MANILA, Philippines - Pinalaya na ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isa sa anim na kandidato sa barangay elections na kinidnap ng mga ito kamakalawa sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur, ayon sa opisyal kahapon.
Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 13 Spokesman Supt. Martin Gamba, ang pinakawalang bihag na si Maria Gina Bantuasan, kandidatong brgy. councilor kaugnay ng gaganaping halalan bukas, araw ng Lunes.
Ayon kay Gamba, kahapon ng umaga ay inireport sa pulisya na nakalaya na si Bantuasan matapos itong abandonahin ng mga rebelde sa isang lugar sa direksyon ng kagubatan pero nanatili pa ring bihag ang lima pang kandidato.
Patuloy naman ang isinasagawang search and rescue operation upang masagip ang iba pang bihag na sina Lito Andalique, chairman sa Brgy. Sabud at ang iba pang mga kandidato namang konsehal na sina Balaba Andalique, Marvin Bantuasan; Crisanto Piodos at Pepe Subla na namataang tinangay sa Brgy. Sabud ng bayang ito.
Sa pahayag ng pinalayang bihag na si Gina, kaÂbilang umano sa demands ng mga rebelde upang pakawalan ang mga hawak pa ng mga itong kandidato ay ang pull-out ng may 50 CAFGU at ng tropa ng Philippine Army sa bayan ng Loreto.
Gayunman, pabor naman ang binuong Crisis Management Committee na ipagpatuloy ng tropa ng militar at ng pulisya ang hot pursuit operations.
- Latest