Magkapatid na paslit nalunod
MANILA, Philippines - Patay ang magkapatid na paslit matapos ang mga itong malunod nang tangayin ng malakas na agos sa Dipolog River, Dipolog City, Zamboanga del Norte nitong Biyernes ng hapon.
Kinilala ni Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9 ang nasawing magkapatid na sina Karla Yuson, 8-anyos at 5-anyos na si Carlo; taga-Brgy. Barra ng lungsod.
Ang magkapatid ay kapwa idineklarang dead-on-arrival sa Zamboanga del Norte Medical Center, ilang minuto matapos ang mga itong isugod sa pagamutan.
Bandang alas-3 ng hapon ng malunod ang magkapatid sa Dipolog River sa naturang lugar na nag-ugat ng mawalan ng balanse si Carlo habang umiihi sa pampang ng ilog at tuluy-tuloy na mahulog sa malalim na bahagi ng ilog.
Samantalang tinangka naman ni Karla na iligtas ang bunsong kapatid ng makita ito na nagkakawag bunsod upang malunod rin ito.
- Latest