3 patay, 4 sugatan sa bakbakan
MANILA, Philippines - Dalawang Cafgu at isang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang habang apat na iba pa ang nasugatan makaraang magsagupaan ang tropa ng militar at mga grupo ng NPA sa liblib na bahagi ng Sitio Akday sa Barangay Esperanza, Agusan del Sur kamakalawa ng umaga.
Ayon kay Captain Christian Uy, spokesman ng Army’s 4th Infantry Division, sumiklab ang bakbakan bandang alas-8:30 ng umaga makaraang makasagupa ng Delta Company ng Army’s 23rd Cadre Battalion ang grupo ng mga rebelde.
Tumagal din ng 45-minuto ang bakbakan kung saan napatay ang dalawang Cafgu at isang rebelde na namataan ng mga sibilyan habang tumatakas ang mga kasamahan nito.
Samantala, nasugatan naman sa bakbakan si Sgt. Danilo Alamban at tatlong sibilyang tinamaan ng ligaw na bala.
- Latest