2 ex-army tiklo sa drug bust
MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang dating miyembro ng Philippine Army sa isang drug buy-bust operation sa Leyte.
Kinilala ni Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., PDEA Director General ang nadakip na suspek na sina FerÂnando Aranez,42,may-asawa, ng Barangay 1, Giporlos, Eastern Samar at Lou Villaluna, 46, may-asawa, ng Baras, Palo, Leyte.
Ayon sa PDEA si Aranez ay kabilang sa watch-list drug personality sa lalawigan ng Eastern Samar. At dating sarhento na nakatalaga sa Special Operation Team Unit (SOT), 10th Infantry Division, Camp Lucban, Catbalogan City, Western Samar at na Absent Without Official Leave (AWOL) simula 2007 at hinihinalang nasibak na sa serbisyo.
Samantalang si Villaluna naman na isang Corporal at nakatalaga sa 62nd Infantry Batalion, ng Philippine Army na nakabase sa Barangay Santa Maria, Agusan del Sur at naka AWOL din simula pa noong 2002 ayon kay Cacdac.
Bandang alas-10:15 ng umaga ng madakip ang mga suspek na nasamsaman ng ilang plastic sachet na naglalaman ng shabu at mga paraphernalia.
- Latest