Reelectionist na konsehal itinumba
TUGUEGARAO CITY, Philippines- Mahigit isang linggo bago ang itinakdang Brgy. elections, isang reelectionist na konsehal ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang armadong salarin sa gitna ng masayang inuman sa piging ng kasalan sa lalawigan ng Isabela kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Isabela Police Director Sotero Ramos Jr., ang nasawing biktima na si Rolly Lauria, incumbent councilor na tumatakbong muli sa posisyon sa kanilang lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Ramos na nagbabawas umano sa tabi ng puno ang biktima ng lapitan at pagbabarilin ng salarin. 
Ang kamatayan ng biktima ay nataon sa ikalawang araw ng kampanya para sa darating na Barangay elections.
 Naunang binaril at naÂpatay ng parehong gabi ang isang 46 anyos na obrero sa kanugnog lugar ng Sta. Isabel Sur sa Ilagan City.
 Ayon kay Ramos, binaril at napatay si Willy Lapuebla sa harap ng kanyang nagmamakaawang mga anak sa harapan ng bahay ng kapitbahay nilang si Carlito Tadeo, 40.
Tumakas ang suspect matapos ang pamamaril at narekober naman ang cal. 9mm slugs sa crime scene.
Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo sa naganap na pamamaslang.
Sa kasalukuyan, iniimbestigahan din pa kung may kinalaman sa pulitika ang naturang mga karahasan.
- Latest