2 patay, 11 kritikal sa road mishap
CAVITE, Philippines - – Dalawa-katao ang namatay habang labing-isa naman ang malubhang nasugatan matapos sumalpok ang pampasaherong jeepney sa trak na nakaparada sa kahabaan ng highway sa Barangay Inocencio, Trece Martirez City, Cavite kahapon ng umaga.
Kinilala ang mga naÂmatay na sina Perpetua Diloy, 64, biyuda, ng Barangay Buna Lejos 2; at Lourdes Novero, 56, kawani ng gobyerno, ng Barangay Kaytambog sa bayan ng Indang, Cavite.
Naisugod naman sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang mga sugatang sina Norberto Deborja, 57; Elizabeth Deborja, 43; Angelica Borja, 17; mag-inang Bonnavie Santander at Bercohf Santander, 1-month old; Rita Glean, Marivic Diloy, Isabelita Mojica, Manny Reyes, Bernadeth Rodaje, at si Marife Llamado ng Brgy. Galicia 2 Market Site sa bayan ng Mendez.
Nakakulong naman sa himpilan ng pulisya ang driver ng jeepney na si Efren Espineli, 63, ng Purok 6, Barangay Alulod sa bayan ng Indang.
Ayon kay PO2 Alvin Marquez, pumutok ang kanang gulong ng jeepney (DBK-841) kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver dahilan upang sumalpok sa trak (RHC-595) na nakaparada.
- Latest