Ama dinedo ng dalagitang anak
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 45 anyos na tatay makaraang pagsasaksakin ng sariling anak na dalagita dahil sa matinding galit kamakalawa sa Barangay Campanario, bayan ng Angadanan, Isabela.

Kinilala ni P/Senior Insp. Cris Danao, hepe ng Angadanan PNP, ang biktima na si Kagawad Agustin Justo habang isinuko naman ng ina ang suspek na itinago sa pangalang Olive, 17.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na naburÂyon ang suspek dahil sa panenermon ng kanyang tatay kaugnay sa pakikipagnobyo nito.
Gayon pa man, nagkainitan ang mag-ama sa loob ng kanilang bahay hanggang sa mairita at pagsasaksakin ng suspek ang sariling ama na sinasabing lango sa alak.
Agad naman isinuko ng sariling ina ang suspek kung saan isinailalim sa kustodiya ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and DeveÂlopment (DSWD) sa nasabing bayan.
- Latest