21-katao death toll sa flashflood
MANILA, Philippines - Umaabot na sa 21-katao ang namatay na karamihan ay nalunod sa malawakang flashflood dulot ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) sa Region VI,VII, IX at Autonomous Region in Muslim Mindanao, ayon sa ulat kahapon.
Sa ulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario, dalawa ang nalunod sa Antique; 8 sa Negros Oriental, anim sa Region 9 (Zamboanga City) na sinalanta ng grabeng pagbaha na may kabuuang 16 kataong death toll.
Sa Zamboanga City, pinakabagong nadagdag sa talaan ng mga namatay ay sina Christine Dongallo Bacan ng Brgy. Putik at Mariluna Andawa, 8, ng Barangay Zone 8 Ayala.
Samantala, sa Lamitan City, Basilan ay nakapagtala naman ng karagdagang apat-kataong namatay sa pagkalunod na kinilalang sina Helen Ignacio, Tessie Samson, Flordeliz Sebastian, at si Judyane Sebastian.
Ang ika-21 biktima, ayon naman kay OCD ARMM Director Manuel Ochotorena ay nakilalang si Cesar Martin ng Brgy. Sedem, Datu Blah, Sultan Kudarat na nalunod habang nawawala naman si Kinimi Omar at maging sina Jeve Palomar Lafranco at Erwin Cadimas ng Mabinay, Negros Oriental ay nawawala pa rin.
- Latest