8-anyos pisak sa ambulansya
QUEZON , Philippines — Patay ang 8-anyos na totoy matapos itong masagasaan ng ambulansiya habang tumatawid sa kahabaan ng provincial road sa Barangay Tongko, bayan ng Tayabas, Quezon noong Miyerkules ng hapon. Kinilala ni P/Chief Inspector Manny Calma, hepe ng Tayabas PNP, ang biktima na si Aldrian Villegas ng Sitio Siete habang sumuko naman ang driver ng ambulansya na si Mat Ranillo De Chavez, 49. Nabatid na pauwi na ang biktima bandang alas-3:10 ng hapon nang mahagip ng ambulansya kung saan naisugod pa sa ospital subalit idineklarang ding patay.
- Latest