^

Probinsiya

Bomba isinilid sa durian

­Rho­derick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines   - Kulungan ang binagsakan ng isang bike rider makaraang arestuhin ng mga awtoridad dahil sa pagdadala ng bomba na isinilid sa bunga ng durian sa bayan ng Midsayap, North Cotabato kamakalawa ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Reinante Delos Santos, hepe ng Midsayap PNP ang suspek na si Abdul Abas ng Barangay Tugal sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na tangkang magpasabog ng bomba kaya inilatag ang checkpoint sa Barangay Poblacion 8 kung saan namataan naman ang suspek na lulan ng motorsiklo.

Gayon pa man, tinangkang harangin ng tropa ng 40th Infantry Battalion ng Phil. Army at pulisya ang suspek subalit tumakbo ito at iniwan ang kanyang motorsiklo sa gilid ng kalsada kung saan naaresto naman ito.

Nang suriin ng mga tauhan ng 66th Explosive Ordnance Disposal Team ng Philippine Army ang motorsiklo ng suspek ay nadiskubre ang dalawang bunga ng durian kung saan isa rito ay naglalaman ng improvised explosive device (IED) na gawa sa bala ng 60mm mortar, 9-volts battery at cell phone bilang triggering mechanism.

ABDUL ABAS

AYON

BARANGAY POBLACION

BARANGAY TUGAL

EXPLOSIVE ORDNANCE DISPOSAL TEAM

INFANTRY BATTALION

MIDSAYAP

NORTH COTABATO

PHILIPPINE ARMY

REINANTE DELOS SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with