^

Probinsiya

Trak vs motorsiklo: 4 patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat-katao ang kumpirmadong patay makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa nadiskaril na truck sa kahabaan ng national highway sa Ba­rangay Morales, Koronadal City, South Cotabato noong Biyernes ng gabi.

Sa phone interview, kinilala ni SPO1 Mario Garrido, desk officer ng Koronadal City PNP ang mga namatay na sina Jaymark Lumawag, 21, driver ng itim na Kawasaki Baja motorcycle na walang plaka; John Paul Pa­dernilla, 19; Ronnie Godio, 21; at si Roland Godio, 17; pawang nakatira sa Purok Greenfields, Barangay Ca­nuling, bayan ngTantangan.

Naisugod pa sa South Cotabato Provincial Hospital subalit idineklarang patay ang mga biktima sanhi ng malubhang sugat na tinamo nito partikular na sa kanilang ulo.

Base sa ulat ng Koronadal City PNP na nakarating  sa Camp Crame, na­ganap ang trahedya sa kahabaan ng highway sa tapat­ ng subdibisyon dakong alas-9:30 ng gabi.

Kasalukuyang bumabagtas ang motorsiklo ng apat patungong Koronadal City mula sa Barangay San Felipe sa bayan ng Tantangan nang maganap ang trahedya.

Nabatid na sumabog ang kanang gulong sa hulihang bahagi ng puting Isuzu forward truck (GYK-283) ni Roger Tadios, 35, kaya na­diskaril ito sa highway.

Eksakto namang paparating na ang motorsiklong minamaneho ni Lumawag kaangkas ang tatlo nitong kasamahan kaya  sumalpok sa nasabing truck.

 

vuukle comment

BARANGAY CA

BARANGAY SAN FELIPE

CAMP CRAME

JAYMARK LUMAWAG

JOHN PAUL PA

KAWASAKI BAJA

KORONADAL CITY

MARIO GARRIDO

PUROK GREENFIELDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with