^

Probinsiya

Mag-asawang matanda pisak sa trak

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang mag-asawang matanda makaraang mahagip ng trak sa kahabaan ng national highway sa Barangay Bolos, bayan ng Irosin, Sorsogon kahapon.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Sorsogon Doctors Hospital ang mag-asawang Jose Cantuba, 65; at Felicisima Cantuba, 72; kapwa nakatira sa Zone 2, bayan ng Bulan, Sorsogon.

Samantala, tumakas naman ang drayber at iniwan ang kanyang trak matapos masagasaan ang mag-asawa. Base sa police report, nagmomotorsiklo ang mag-asawa nang salpukin ng 10-wheelers truck na may plakang UVL-812 dakong alas-2:45 ng hapon.

Pinaghahanap na ng pulisya ang drayber habang naka-impound naman ang trak nito sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

BARANGAY BOLOS

BULAN

FELICISIMA CANTUBA

IROSIN

JOSE CANTUBA

MAGKASABAY

PINAGHAHANAP

SAMANTALA

SORSOGON

SORSOGON DOCTORS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with