^

Probinsiya

4 kidnaper tiklo; 2 trader nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang apat na kidnaper matapos masakote ng operatiba ng pulisya na nagresulta rin sa pagkakasagip sa dalawang negosyante sa isinagawang serye ng operasyon kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling-araw sa Laguna.

Kinilala ni Laguna PNP director P/Senior Supt. Pascual Muñoz Jr.  ang mga biktima na sina Mark Cristian Melicio, at Rhedgie Enso na kapwa nakatira sa Barangay Masapang, bayan ng Victoria,, Laguna.

Sumasailalim naman sa tactical interrogation ang mga suspek na sina  John Brian “BJ” Tobias, 28; Brian “Balot” Gabinete, 26; Diana Prince Hedia, 29; at si Ronel Alcantara.

Ang mga biktima ay dinukot sa bisinidad ng Travellers Inn sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna noong Sabado ng gabi (Sept. 28).

Gayon pa man, humingi ng tulong ang pamilya ng mga biktima matapos na mag-demand ng P60,000 ransom ang mga kidnaper.

Agad namang inilatag ang operasyon sa pangunguna nina P/Supt Kirby John Kraft at P/Supt. Meliton Salvadora Jr. hepe ng Sta Cruz PNP sa itinakdang pay-off ng ransom malapit sa Grove ng Barangay Bubukal sa bayan ng Pagsanjan, Laguna.

Nadakip naman ang dalawang kidnaper na sina Tobias at Gabinete kung saan nasagip si Melicio sa loob ng itim na Mitsubishi Lancer (USP-831).

Sa follow-up operation naman sa Marcelo Compound sa Barangay Callos, Sta. Cruz ay nailigtas din si Enson kung saan nasakote ang dalawang suspek na sina Hedia at Alcantara.

vuukle comment

BARANGAY BUBUKAL

BARANGAY CALLOS

BARANGAY MASAPANG

CRUZ

DIANA PRINCE HEDIA

GABINETE

JOHN BRIAN

MARCELO COMPOUND

MARK CRISTIAN MELICIO

MELITON SALVADORA JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with