39 katao nalason sa baboy
LEGAZPI CITY, Philippines - Tatlumpu’t siyam katao na kinabibilangan ng mga guro at estudyante ang isinugod sa pagamutan matapos na malason sa kinaing sinigang na baboy sa pananghalian sa Tabaco City, Albay kamakalawa.
Sa ulat ang mga biktima ay kasalukuyan na ngayong nilalapatan ng lunas sa Ziga Medical Hospital sa Tabaco City, Albay.
Ayon kay Norma Liporada, isa sa mga biktima, dumalo sila sa sport event sa kanilang eskuwelahan kung saan ay nagpaluto na lang sila ng pagkain para sa pananghalian kung saan sinigang na baboy ang isinilbing ulam ng caterer.
Gayunman, ilang oras matapos makain ang sinigang na baboy ay dumaing na ang mga guro at estudyante ng matinÂding pagkahilo, pananakit ng ulo at pagsusuka bunsod upang isugod ang mga ito sa pagamutan.
Pinaniniwalaan namang kontaminado o panis na ang baboy na inihain sa mga biktima bunsod upang malason ang mga ito.
- Latest