^

Probinsiya

Labi ng sundalong nasawi sa Zambo, dumating na

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines - Dumating na kahapon sa Arakan, North Cotabato ang mga labi ni Marine Private First Class Fren Parenyas, isa sa mga sundalong nasawi sa bakbakan ng mga sundalo at miyembro ng Moro National Liberation Front Misuari faction sa Zamboanga City.

Ayon sa ama ng biktima na si Rene Parenyas, nakapag-text pa raw ang kanyang anak na nasa maayos itong kalagayan at nagpaalam na may clearing operations sila.

Kaya’t laking gulat ng pamilya nang mag-text ang tiyuhin nito na sundalo na patay na si Pfc. Parenyas.

Ang bangkay ni Pfc. Parenyas ay lumapag sa Awang Airport, Cotabato City at mula rito sinundo ito ng kanyang pamilya sa Amas Capitol Complex sa Amas, Kidapawan City.

Si Pfc. Parenyas ay limang taon pa lamang na nanunungkulan sa Philippine Marines at nakadestino sa Maynila.

Nagtungo ito sa Zamboanga City bilang bahagi ng reinforcement team upang supilin ang gulo sa lungsod.

 

AMAS CAPITOL COMPLEX

AWANG AIRPORT

COTABATO CITY

KIDAPAWAN CITY

MARINE PRIVATE FIRST CLASS FREN PARENYAS

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT MISUARI

NORTH COTABATO

PARENYAS

PHILIPPINE MARINES

RENE PARENYAS

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with