P1-M gasolinahan nasunog
BULACAN, Philippines – Umaabot sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang gasolinahan sa Barangay Malhacan, MeycauaÂyan City, Bulacan kahapon ng umaga. Sugatan naman naisugod sa Nazarenus Hospital sina Orlando De Los Santos, 31, traysikel drayber, ng Brgy. Hulo; at Jose Ivan Buen, 21, gasoline boy, ng Brgy. Malhacan. Sa ulat ni Fire Marshall F/ Amando Elavado ng Meycauayan City BFP, nagpagasolina si De Los Santos ng kanyang traysikel sa Lemiz Gas Station nang biglang sumiklab ang hose na hawak ni Buen. Mabilis na kumalat ang apoy na tumagal ng kalahating oras bago maapula ang apoy habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest