^

Probinsiya

Trak vs 6 sasakyan: 1 patay, 6 sugatan

Michelle Zoleta - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa ang iniulat na namatay habang anim naman ang sugatan makaraang suyurin ng trak ang mga sasakyang nakaparada sa gilid ng Maharlika Highway sa Barangay Calumpang, Tayabas City, Quezon kahapon ng umaga.

Sa inisyal na report ni P/Chief Inspector Manny Calma,hepe ng Tayabas PNP, nawalan ng preno ang trailer truck ni Leonardo Felicida pagsapit sa pababang bahagi ng Maharlika Highway.

Inararo ng trak ang mga nakaparadang sasakyan sa Grand Evangelical Mission ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo kung saan nagkarambola pa ang apat na bus, isang kotse at Tamaraw FX.

Gayon pa man, namatay ang biktimang si Delfin Velasco, 54, ng Candelaria, Quezon, matapos maipit ng dalawang bus.

Kabilang sa mga sugatang naisugod sa Quezon Medical Center at Lucena Doctors Hospital ay sina: John Martoni, mag-inang Mylene Maala at Do­minga Maala, Ligaya Bayona, 60; anak nitong si Elyrose Bayona, at si Raymond Concepcion.

Umabot sa 20-kilometro ang daloy ng trapik na nagmistulang parking lot kung saan nag-rerouting para sa mga apektadong sasakyan mula Bicol, kabilang dito ang pagdaan sa Pagsanjan, Laguna, Sariaya, Quezon at patungong Maynila.

Bukod sa aktibidad ng INC na sinasabing kinansela, napilitan na ang mga kumpanya ng mga bus na kanselahin ang regular na oras ng biyahe pa-Maynila ngayong araw.

 

BARANGAY CALUMPANG

CHIEF INSPECTOR MANNY CALMA

DELFIN VELASCO

ELYROSE BAYONA

GRAND EVANGELICAL MISSION

JOHN MARTONI

LEONARDO FELICIDA

LIGAYA BAYONA

MAHARLIKA HIGHWAY

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with