Mag-utol, 1 pa patay sa sunog
MANILA, Philippines - Natusta ang katawan ng mag-utol at isa pang kaibigan makaraang makulong sa nasusunog na bahay sa Tagum City, Davao del Norte noong Miyerkules ng hapon. Kinilala ang mag-utol na sina Mary Ann Benaning, 5; at Jean Benaning, 3, kapwa residente ng Visayan Village; at ang isa pang biktima na si Rhealyn Madanlo, 16, nobya ng kuya ng magkapatid. Sa ulat ng Davao del Norte PNP na nakarating sa Camp Crame, nagkataon na wala ang mga magulang ng magkapatid dahil kapwa nagtratrabaho at iniwan sa pangangalaga ng kanilang kuya kung saan pansamantalang lumabas rin sa bahay. Sa inisyal na pagsisiyasat, ang sinindihang uling na ginamit sa pagluluto ng pamilya Benaning ang sinasabing pinagmulan ng apoy na tumupok sa kanilang bahay.
- Latest