^

Probinsiya

P23-M pinsala sa Zambales

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa P23.55 milyong halaga ang pinsala ng landslide at flashflood sa Zambales dulot ng malalakas na pag-ulan, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council (NDRRMC) kahapon.

Ayon kay NDRRMC Deputy Director Romeo Fajardo, naitala sa P23.55 milyon ang pinsala sa imprastraktura kabilang ang P23.3 milyon sa bayan ng Castillejos at P.250 milyon naman sa bayan ng San Antonio.

Samantala, aabot naman sa 31 bahay ang nawasak habang nasa 34 naman ang nagtamo ng pinsala sa naturang kalamidad.

Nakaapekto rin ang pagbaha sa may 33, 976 pamilya (150,914-katao) sa 197 barangay sa 22 bayan at 11 lungsod sa 5-lalawigang binayo ng habagat sa Regions III, IV-A at National Capital Region.

Nairekord naman­ sa 6,811 pamilya (29­,150-katao) ang nanatili pa sa may 140-evacuation centers sa mga naapektuhang lugar.

Kaugnay nito, umaabot na sa 32 ang namatay matapos na kumpirmahin kahapon ni Lt. Yvonne Ricaforte, Civil Military O­perations ng Army’s 24th Infantry Battalion.

Narekober din ang bangkay ng sanggol na si April Flores sa Brgy. Aglao, Castillejos, Zambales kahapon ng umaga.

Si Rolando Tapic  ng Barangay Balaybay, Castillejos, Zambales ay na­tagpuang buhay kamaka­lawa ng hapon matapos itong mapaulat na nawawala kung saan tinangay ng malakas na agos.

Naitala rin ang ‘storm surge sa bayan ng Na­sugbu, Batangas; tatlong insidente ng flashfloods sa Bataan at Zambales, walong landslide sa Cavite, at Batangas habang tatlo pang insidente ng flashfloods sa Zambales.

APRIL FLORES

BARANGAY BALAYBAY

BATANGAS

CASTILLEJOS

CIVIL MILITARY O

DEPUTY DIRECTOR ROMEO FAJARDO

INFANTRY BATTALION

NATIONAL CAPITAL REGION

ZAMBALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with